Anong Klaseng TipidPC Member Ka?

Mga ibat-ibang karakter ng mga TPC member sa forum.

1. The T.S – usually ang may malaking problema, ang loveless, ang EMO, and may suliranin, ang may nagawang KAPALPAKAN sa sarili nya sa paligid nya sa mga gamit nya. Ang nadaya, naisahan, ang naghahanap ng kausap, nagpapapansin, at gustong mag share ng mga outrageous ideas nya na kung ano ano na lang ang papasok sa isip nya kaya thread agad ang punta. Minsan non sense, pero madalas malaking sense =)

2. Mr.Goody 2 shoes – Wholesome and para sa ikabubuti mo ang ipapayo at i susuggest nila sayo. Helpful and and mapapasalamatan mo most of the time.

3. Mr. Overrated – OA sa pag advise, OA sa pag bigay ng suggestions, OA sa kanyang opinions, and minsan ni hindi pa nya na susubukan ang mga sinasabi nya, at I papayo niya sayo… gagawin ka nyang Lab Rat, pag may maling nangyari eh lessoned learned yun para sa kanya. Minsan nag ttrip lang (pwede din syang The Tripper) – wala ka nang habol, changed user ID na sya. Di mo sya kilala, di mo matatawagan…. Umiyak ka na lang.

4. The Master – Mahusay, malawak ang experience, madaming alam, may laman ang usapan at ang mga sinasabi nya, matututo ka sa kanya. Hambog kung minsan, mayabang din ang iba, pero madami din namang mababait at madalas malulupit ang RIG nila.

5. Mr. Google – Mahusay din, magagaling, malupit….. malulupit mag copy paste… Kudos to Wikipedia and to other sites.

6. Firestarters A.K.A Trollers – Ang may dahilan kung bakit na lolock ang thread, ang nagbibigay ng bituin sa isang forum. Walang kulay ang thread kung wala sila. Lahat tayo pwede maging Firestarters, lahat tayo qualified, lahat tayo suspect, walang pwedeng mag malinis. Walang pwedeng mag hugas kamay.

7. The Big Joke – Madaming alam na kakatawanan. Madalas pasimuno sa isang comedy na thread. Pamatay ang punchline, pamatay na banat, at pamatay na sense of humor…. Madalas experience nya yun sa sarili nya (sa buhay nya), minsan I dadahilan pa nya ang experience ng ibang tao kuno… eh sya naman talaga yung kinukwento nya… nag dahilan ka pa! as if kilala ka namin. =)

8. The Philosopher (flamebaiters) – Di natin alam kung totoo minsan ang mga sinasabi nya or joke joke lang. Minsan siryoso ang usapan bigla sya babanat ng kakaiba, weird or out of this world, di mo tuloy alam kung tinitira ka nya, minsan matatawa ka, minsan magtataka ka … siryoso ba sya? Minsan maiinsulto ka… well… actually… madalas pang iinsulto talaga. No offense meant, jinojoke ka nga nya, yung nga lang, may laman. Malakas ang Chakra nya, malakas ang influwensya nya sa thread. Kapag nag post sya, susunod na ang iba. Kakaiba ang banat nya, pag pikon ka talo ka. Pwede natin syang Tawagin Troll in disguise.

9. Lurkers (the most popular) – The Audience, ang malakas tumawa behind the thread, behind the action. Ang naghahanap ng tulong pero kuntento na sa pakikinig (pagbabasa basa) na lang.. Passive, walang paki, at NAG EENJOY sa mga nagaaway sa thread. MAHILIG SA POP CORN MODE, Basa mode, and backread mode. =)

10. Critics – Kahit anong sabihin mo, mali ka pa rin. May kakayahan maging troll. “Magdadahilan ka pa eh!” (-eto ang lagging nasa isip nila)…. Dapat lagi mo Check spelling mo, typo is not an excuse. Nag apology na lahat lahat, ayaw pa rin magpatawad. Saddist kung minsan, sisirain morale mo, ipapako ka sa krus! =)

11. Pokerface – alternicks na matatawag, either na ban ang lumang account nya, or nag karoon ng negative comment. Madalas troll sya, para makapang asar, para makapag post pa, para makabawi sa bumara sa kanya, sa tumabla sa kanya. Minsan meron syang gustong I post na ikakahiya nya dahil sa reputasyon ng account nya, minsan isa syang MASTER na nagiging NOOB sa ibang aspeto and kailangan ding humingi ng advice pero nahihiya sya baka may makakilala sa kanya kaya gagawa sya ng ibang acct para makapg post sa thread or para makagawa ng new FORUM. Minsan gumagawa sya ng maraming acct at sasgutin din nya ang sarili nya sa isang thread – supporters nya ika nga, kinakausap nya sarili nya, pwede natin syang tawaging split or double personality.

12. Avenger – Para din syang pokerface, well minsan isa nga syang pokerface, pero ang tunay na avenger eh ang original acct na hindi mag papatalo sa kahit anung argument kahit alam naman ng sambayan na sya ang mali, hahanap at hahanap ng palusot, dahilan, solusyon para maisalba ang karangalan nya. May kauuwian itong taong to…. Ang pagiging TROLL! =)

13. Taong Uling – favorite to ng bayan, sinasalihan ng lahat ng klase ng forumers, sila ang mga PANGGATONG, gumagatong, at gagatong sa mga maiinit na usapan. Sila ang taong bayan, parang the victim vs. the world, pag tutulungan ka, wag ka na kasing iimik, hayaan mo na, shut up na kasi, sasabat pa eh, tablado ka tuloy. =)

14. Mr. Know it all – Sige na! ikaw na! Ikaw na! pogi ka na! ikaw na matalino, walang kang laban, magaling talaga sya, nerd, weird, goof, malawak talaga ang alam.. master sya sa lahat dahil di mo sya mahanapn ng butas. Nakakainis sya, nakaka insecure, nakaka asar. pero magaling talaga sya. =)

15. Mr. Big time – madalas yan sa “Show Me” na thread, kating kati sa pagpopost ng picture ng kanyang binili bagong gadget, parts ng PC, Collection ng kung ano-ano, naghihintay mapuri ng iba, panginoon ng mga “can’t afford”.

16. The Agent (Spammers/Scammers) – Sir may new nokia cp ako 10k lang! may bago akong hair grower 3k lang! motor brandnew no downpayment! Ipad 4? Iphone 5? home appliances? house and lot? sa lahat na yata ng uri ng members sa tpc eto ang most hated of them all, kulang na lang benta nya kaluluwa nya, di ka pa nadala banned ka na nga. Madami naman akong email adds eh…….. ooopppsss…. funny pictures thread pala to… sorry.. =)

17. JamesBond – Mga ESPIYA!, Hindi sila pulis pangkalawakan pero taga tip ng mga kapalpakan, hindi ka nila sasabihan, may PM ka na kinabukasan… hindi sila mods, hindi rin sila authorities sa thread, pero malalakas sila, may iba din naman mahihina, kaya wag ka magkakamali, isusumbong kita, secret police force, tagapag taguyod, may hawig kay number 2 stealth nga lang ang banat. minsan, dikit o malakas kay mod or nag didikidikitan lang, anyways maganda naman intention nila kaso minsan nagiging self centered na.

Advertisements

1 Comment (+add yours?)

  1. Niesha Straws
    Dec 11, 2011 @ 07:31:44

    Hi, Neat post. There’s a problem with your web site in web explorer, might test this… IE nonetheless is the market chief and a big component of folks will omit your great writing because of this problem.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: