Rocktober !

Sa kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel, naningil ang aking Alma Mater
Bayad daw sa fund raising concert na Rocktober na gaganapin this October
Bigla kong naalala last year, fund raising din ng Family Council noon
Concert din ang nangyari, kasali din ang teachers namin sa nag-perform

Bagamat di kasali ang Pateros sa mga nasalanta ng mga nasabing bagyo
Parang wala yata akong pakiramdam kung magsasaya ako
Habang ang aking mga kababayan ay lubog sa baha, nasa evacuation center, walang makain, bata at matanda ay nakatunganga

Ang siste, kahit di ako interesadong umattend ng concert
Kami pa rin daw ay magbabayad, ay nakakabwiset
Di ko kasi type mga bandang imbitado, Silent sanctuary, Bloomfields at dalawa pang Anonymous
Grabe di nila kilala, surprise guest pa yata o sila lang ay oblivious
o di pa lang tapos ang usapan, di pa nag-finalize sa magkano ang bayaran

Baka mapagalitan pa ako ni teacher, di ako supporter
Bigyan ako ng disciplinary sanction, at i-report ako sa Guidance Counsellor
Parang yung dati, sa donasyon sa Pondong Pinoy kulang ako ng bente singko
Aba’y wag na raw mauulit, ayun nagka-record na ako…

Sa aking Alma Mater, na bawal ang buhok na nakalugay
Kailangan nakatali palagi, hay nako buhay
Bawal din tumambay after uwian, para sa sundo ay maghintay
Labas na daw ako sabi ng guard, makiusap sa kanila ay so very hard

Ano na ang nangyari sa iyo, Alma Mater ko
parang di na yata makatao, Di na Maka-kristiyano
Sa dami ng estudyante per section, Parang di na siya private school
My Teachers and Principal, that is not so cool !

Advertisements

1 Comment (+add yours?)

  1. Dylan Bidon
    Dec 11, 2011 @ 07:28:44

    I’ll right away take hold of your rss as I can not find your email subscription hyperlink or newsletter service. Do you have any? Kindly let me realize so that I may subscribe. Thanks.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: