Imelda Visits Gloria

Imelda Romualdez Marcos visits Gloria Macapagal Arroyo at the St. Luke’s Medical Center Global City

O Gloria, ikaw ay aking sinisinta
Bagama’t ikaw ay kanila ngayong inaalipusta
Hindi pinapaniwalaan at kinukutya
Mahal na mahal pa rin kita

Sa iyo ko lang nakita ang aking mga mithiin
nakitang matagumpay sa lahat ng hangarin
namasdang walang takot silang harapin
kahit na tawagin  ka pang sinungaling

Marami kang proyektong ginawa
Marami kang bibig na pinakain
Marami kang posisyong binigay
Bagama’t sabi ng maraming iba rin
ang nakinabang ay iyong pamilya

Now sing to the tune of Tukso by Eva Eugenio

Tapat ang puso ko
At ito’y hindi magbabago
Pagka’t paghanga ko
Ay tanging para sa ‘yo

Wag sanang mangyari
Makulong ka kahit sandali
Pagka’t ang kulong ay
Nakakalokang di mawari

Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo

Di maiwasang sabihin
Na sila’y may galit din
Pagka’t sila’y tao lang
May puso’t damdamin

Ngunit kung kaya mo
Galit ay di mananaig
Maghintay lang poot ay maging inggit
hanggang sa makalimutan na rin

Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo

Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo

Advertisements

3 Comments (+add yours?)

  1. Homepage
    Dec 09, 2011 @ 06:23:18

    Just a smiling visitant here to share the enjoy (:, btw outstanding style . 628072

    Reply

  2. Trackback: URL
  3. Aubrey Hegge
    Dec 11, 2011 @ 06:51:31

    hello!,I love your writing very so much! proportion we be in contact extra approximately your post on AOL? I need an expert on this house to unravel my problem. May be that’s you! Taking a look forward to look you.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: