Lord, Please..Kunin Mo Na Sila, Please.

I love this poem – It sums up most of what needs to be said to the corrupt members of our society.
Now, we just have to muster the guts to say it eye-to-eye.

Lord, please kunin mo na kasi sila, please.

“May mga taong kapag walang masabing tunay nating pagkakamali,
ang itinuturo ay ang mali raw nating pag-uugali.
Hahanapan tayo ng butas para lang masunod ang gusto,
Gagawan ng issue against you at mag-iimbento ng kaso

Ano ba akala nila sa atin, mga bobo at madaling maloko?
Hindi ba nila alam na tayo ay may dangal at prinsipyo
Tatakutin pa tayo at gagamitin ang kanilang posisyon
Para lang ipangalandakan na mas may kapit sila sa institusyon

Ang pantakot nila ay parang sa Defense team ni CJ Corona
“Technicalities” at puro “Objection” ang depensa
Pag tinanong mo kung ano ba talaga ang totoo
Walang masabi kundi “Di lang namin trip ang porma nyo”

Hindi nila inaasahan na tayo ang magiging balakid
sa kanilang maitim na balak at isip na makitid.
Lalabas na talaga ang totoo, hintay lang malapit na ‘to
basta walang kokontrang may mga kurap na Padrino.

Sadyang wala tayong uurungan, kahit pulutin man sa kangkungan
Basta handa tayong ipaglaban ang ating karapatan
Mas gugustuhin pa nating ibuwis ang ating buhay
Kung ang kapalit nito ay masugpo ang mga pasaway

Handa na kaming isiwalat ng buong tapat
Lahat ng mga gusto nilang itago ay ipagkakalat
Hindi tayo papayag sa kanilang patuloy na pagpapanggap
Alam ng Diyos ang totoo na sila ay hindi katanggap-tanggap.

Huwag mag-alala at ipagdadasal rin namin sila
Baka sakaling makonsensiya at humingi ng dispensa
Nakakatulog pa kaya sila ng mahimbing tuwing gabi
O baka naman nagpa-plano ng ataki kaya super busy.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: