Noynoy Aquino: Binaha Na Ba Ang Daang Matuwid?

Nalubog na ba sa baha ang tuwid na daan? Hanggang ngayon kasi ay patuloy na may baluktot ang pamamalakad sa pamahalaan.Dapat yata ay di lang Presidente at mga Cabinet Secretaries ang napalitan. Pati na ang iba pang nasa posisyon o katungkulan ay dapat ibahin dahil sila ang mismo ang inuutusan o nagkukusang nagmamaniobra ng proseso. Palakasan, ang lagay eh, kikita ako ng malaki dito, malaki magbigay ng token of appreciation ang kliyenteng ito, utos ng boss ko dapat sundin, kaibigan ko yan since high school, Kamag-anak iyan ng lolo ng nanay ko sa pinsan ng kanyang pamangkin, at marami pang ibang dahilan para ibaluktot ang tuwid na pamamaraan.

Hindi kayang bantayan ng Presidente ang kurakot na mga nasa ilalim pa rin ng kanyang administrasyon. Kahit palitan pa taon-taon ang Presidente kung patuloy na maiiwan angmga bugok na tauhan ay wala talaga tayong patutunguhan.Dapat kapag nagpalit ng pamumuno ay ire-shuffle din ang mga tauhan (rank and file, middle management, executives) para alisin ang kanilang nakasanayang kontrol at corrupt na gawi sa nasabing ahensiya or departamento.

Katulad ng isang nauusong kanta na Oppa Gangnam Style na nakakahalinang isayaw dahil sa nakakaaliw na tunog at komedyang dulot nito, pinalitan nito ang dating mga usong “Call Me Maybe”  at “Dougie Dance”. Iba na ang mga steps at tugtog, iba na ang kumantang bida, sa Korea pa nanggaling na tumaob sa iba pang kanta mula sa America. Ganito rin sana sa pulitika at gobyern natin. Kapag may bagong uso ay palitan na ang lahat at walang itirang katulad ng dati para maging malinis at nagkaroon ng “fresh start”.

Patuloy po nating iangat sa baha ang bandila ng Pilipinas bilang simbolo ng ating paniniwalang may pag-asa pang magbago ang Pilipinas dahil marami pa ring makataong Pilipino!Kaya magbantay po tayong lahat at isumbong ang mga katiwalian sa gobyerno!

*credits to the owners of the images

1 Comment (+add yours?)

  1. thyron barot
    Dec 11, 2012 @ 12:40:03

    To our respectable lawmakers,

    please vote on the RH BILL with our RIGHT, TRUE, and MORAL CONSCIENCE grounded on man’s relationship to God.

    Barot, Thyron Anthony D.
    2 POL 1
    University of Santo Tomas

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: